" The Hows Of Us "
Kathryn Bernardo bilang George at Daniel Padilla bilang Primo sa pelikulang pinamagatang "The Hows Of Us". Sila ay magka-mag-aral na nag-iibigan at ang tawag ni Primo kay George ay "Jo", hindi ito palayaw ni George kundi ang ibig sabihin sa maikling salita ay jowa. Naghahanda si George para sa pangarap niya na makapag-aral ng medisina at si Primo naman ay nagsusumikap na nag-eensayo para sa pagkadiskubre sa kanilang banda upang sumikat.Tumira at nagsama sila sa iisang bahay na ipinamana sa kanila mula sa pinakamamahal na Tita Lola ni George, nangangako ang dalawa sa isa't-isa na balang araw ay makakamit ang kanilang mga pangarap at nangako sa isa't-isa na susuportaan ang bawat isa sa kahit anuman ang mangyari.
Ngunit ano ang mangyayari kapag ang pangarap na tagumpay ay hindi dumating sa kanila? Nabigo si Primo na makamit ang kanyang pinagtratrabahuan na pangarap na sumikat ang kanilang banda at nag-ugat ito para maging mahirap at maging mapagmataas na artista na nag-resulta sa hindi na niya pagtulong sa mga bayarin sa bahay. Inintindi ni George si Primo nanatiling tapat sa kanyang pangako na susuportahan si Primo sa lahat at sa kahit anuman. Iyon ay hanggang sa hindi na nakapagtiis si George at dumating sa punto na sumuko na. Lumakad si Primo papalabas at nilisan ang bahay ng walang paglingon sa kanyang likuran. Makalipas ang maraming taon ay bumalik si Primo bilang isang bagong lalaki na mas responsable kaysa dati. Bibigyan kaya ni George si Primo ng pangalawang pagkakataon na pumasok ulit ito sa kanyang buhay?
Habang nanonood ako ng " The Hows Of Us " sa kauna- unahang pagkakataon, labis akung nadadala sa daloy ng kuwento at sa kung paano umarte ang mga aktor at mga aktres na nasa pelikula na pinangungunahan at pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo bilang Georgina "George" Reyes,Daniel Padilla bilang Primo Alvarez,Darren Espanto bilang Yohan Reyes,Jean Garcia bilang Mama Baby Reyes,Susan Africa bilang Helen "Tita Lola" ,Alwyn Uytingco bilang Bowie ,Ria Atayde bilang Awee,Juan Miguel Severro bilang Mikko,Odette Khan bilang Mrs. Abellera,Kit Thompson bilang Darwin "Dar" at si Ana De Leon bilang Anna.
Pero hindi mabubuo ang kuwento kung walang tamang pag-gabay at sa tulong ng Direktor na si Cathy Garcia-Molina. At sa tulong na rin ni Noel Teehankee na ang sinematograper ng pelikula na ginawa ang lahat ng paraan para makuha ang bawat eksena sa taman anggulo at tayming.At isa pang napansin ko at ang editing ng pelikula na pinagungunahan nila ni Marya Ignacio at si Joshua Ducasen ay napagkakasunod-sunod at nauugnay sa bawat yugto ng eksena sa pelikula. Ibinuhos din nila ang kanilang atensyon at oras para lang maging maganda ang kakalabasan ng kanilang pag- uugnay sa mga eksena na kanilang kinunan at inedit.
Ang lalo pang nakahulma o ang lalo pang ikinaganda ng pelikula ay ang paglalapat ni Jessie Lasaten ng musika. Nilagyan nya ang mga eksenang dapat lapatan ng musika para tumingkad o magkakulay ang tema ng eksena sa pelikula na sinang-ayunan naman at nagustuhan naman ng mga manoniod. Ang mga OPM na mga kanta na inilagay sa pelikula ay ang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" na orihinal na kinanta ni Sharon Cuneta noong 1977 na orihinal na nilikha ni Rey Valera. Maririnig din sa pelikula ang pagkanta ni Primo ng "Umuwi Ka Na Baby", "Pagsubok" at kumanta rin ito ng makabagong kanta na pinamagatang "Ikaw at Musika Ko".
Base sa aking natutunan sa pelikula, nais nitong maghatid ng mensahe na kapupulutan ng aral tungkol sa takbo ng totoong buhay sa isang relasyon. Na hindi sa lahat ng oras ay masaya lang minsan mapait din at kailangan may mag paraya, mag pasensya pero hindi lang ang isa ang gagawa o palaging gagawa ng paraan para maayos ang problema. Dapat balansi lang ang kanilang mga pagpaparaya sa isa't-isa para walang ma dihado ni isa man lang sa kanila at para hindi na umabot sa puntong hindi na magsusumbatan sa mga nagawa nila sa isa't-isa.

Comments
Post a Comment